issahvispo said: Kimpoy :) What if may girlfriend ka tapos yung girlfriend mo gusto kang pahintuin sa career mo. Sino pipiliin mo? Yung girlfriend mo o yung career mo kasama na kaming fans mo? :)
   

Hindi ko alam. Depende. Ayaw ko magsalita ng tapos kasi hindi ko pa naman naexperience at hindi pa ako napunta sa lugar na yun. Pero syempre gusto ko muna marinig yung side niya. Aalamin ko kung ano yung reasons niya. Ibabalance ko syempre. Ayaw ko naman nung ipagpapatuloy ko to, tapos malalaman ko na nasasaktan pala siya.

Syempre ipapaalam ko din sa kanya na dito ako masaya. Marami akong nakilalang kaibigan dito. Marami akong naexperience dahil dito. Siguro alam naman niya kung gaano kaimportante to sakin. Hindi rin naman ganun kadali.

Pero syempre kung years from now naman yun. Siguro matanda na din ako nun. I need to settle down din. Hindi naman pwede na forever ganito na lang ako. May perfect time din, hindi naman pwede yung bigla bigla :) Hirap ng tanong! HAHA :))



   
danicahermoso said: Pano kapag nasaktan si Pao anong ginagawa niya?
   

Ang totoo iyakin ako :) Lalo na pagdating family ko saka sa taong mahal ko. Malakas ang loob ko pagdating sa sarili ko, pero kapag mga taong mahal ko, hindi ko na kaya. Kapag nasasaktan ako, tahimik lang ako. Kapag sobrang sakit talaga, iiyak ko lang saglit tapos wala na. :)



“A part of me will always love you.”



Aaminin ko. Namiss ko magTumblr :))

Yung sasagot ng mga kung ano anong tanong. Kumausap ng mga followers. Tumawa mag-isa sa mga kalokohang post ng mga tao dito. Magbasa ng mga blog at maramdaman yung nararamdaman ng ibang tao. Makakita ng mga pictures ng nature, pagkain, pets, pagkain saka pagkain ulit. Magbasa ng mga nakaka-heartbroken na quotes. Nakakamiss :)) 

image

Ako ba namiss nyo? HAHA :)))


   
barrycute30 said: Ano ang Ideal Girl ni Kimpoy Feliciano?
   

Dati ang ideal girl ko, mabait, nakakatawa, matangkad, maganda, mahaba buhok, maputi, magaling sumayaw. Pero kapag nalaman mo na pala yung totoong meaning ng Love. O kaya naramdaman mo na talaga magmahal, hindi yung puppy love lang. Makakalimutan mo na yung mga ideal-ideal na yan. Hindi na mahalaga yung looks, hindi mo na maiisip kung ano yung gusto mo.

Ang gusto mo na lang yung taong tatanggapin ka kung sino ka. Hindi dahil gwapo o maganda ka, hindi dahil sikat ka, hindi dahil mayaman ka, hindi dahil maputi ka, hindi dahil maganda yung katawan mo. Ang gusto mo na lang yung taong tatanggapin ka parin kahit ilang beses ka na nagkamali. Yung taong naiintindihan yung nararamdaman mo kasi ganun din yung nararamdaman niya. Yung taong hindi puro kilig lang, kundi kaya ka talagang mahalin ng totoo.




   
serrot26 said: Hello po ask ko lg sana kng anong magandang pag usapan minsan kasi na wawalan na kami ng topic ng bf ko LDR pala kami tnx for the advice :)
   

Alam mo kung LONG DISTANCE kayo dapat mas marami kayong napapagusapan. Kasi yung naeexperience mo, hindi niya naeexperience. Yung mga nakikita mo, ginagawa mo, kinakain mo, iba sa kanya. Magkaiba kayo lagi. Hindi dapat kayo nauubusan ng pinaguusapan. Kung magkalayo kayo tapos nauubusan kayo ng pinaguusapan, paano pa kapag magkasama na kayo? Ano lalo yung paguusapan nyo? 

Lagi nyo kamustahin yung isa’t isa. Dapat updated kayo lagi. Kapag aalis siya tatanungin mo kung saan siya pupunta, sino mga kasama niya, ano suot niya. Pagbalik niya tatanungin mo kung kamusta siya, ano nakita niya, kmusta yung experience. Pagusapan nyo yung mga maliliit na bagay kasi yun yung importante :)



“Sometimes, it’s better to just move on instead of being the only one who’s willing to fix things.”



“Distance sometimes lets you know who’s worth keeping and who’s worth letting go.”



   
mxzhel said: Ano si KIMPOY bilang boyfriend?
   

Gagawin ko lahat para sayo kasi ganun ka kaimportante sakin. Wala akong gagawin kundi pasayahin ka. Walang boring moments, gusto ko marami tayong magawang memories. Babaguhin ko kahit anong gusto mo, para lang maging perfect ako sa paningin mo. Para hindi ka na tumingin sa iba. Sasamahan kita lagi, kasi ayaw kong may nasasayang na minutong hindi kita kasama. Lagi ko sasabihin sayo kung gaano kita kamahal, ayaw ko kasing makalimutan mo. Hindi kita iiwanan kahit ayaw mo na sakin. Hindi kita bibitawan kahit gusto mo na bumitaw :)




   
ansavehnimarialygaya said: hi pao! :))) what do you prefer to be called.. Kim? Paolo? KImpoy? or any name? :)))
   

Iba iba kasi eh :))

My schoolmates in Philippines call me “Kim” sometimes buo talaga “Kim Paolo” HAHA :)) My friends and schoolmates here in New Zealand call me “Paolo” :D Yung mga nakilala ako sa internet or sa TV, yun yung mga nakakakilala sakin na “Kimpoy” :)

My family and close friends call me “Pao” :D








Superman. Single. Filipino. Philippines. New Zealand. Catholic. Pro-life. BCom Management. Dancer. Performer. Sagittarius. December 18. 6'0. Scarfie.

Got Questions? Go ASK.
Read My FAQs




My Debut Album under Universal Records is now available in Astroplus, Astrovision, Odyssey and other leading record bars nationwide!

I'm Pinoy magazine's April 2014 Cover boy! Don't forget to grab a copy from your favorite bookstores and newsstands nationwide.

Meet Kimpoy. I'm set to meet my #1 Fan in the new romance novel "Fan Girl Meets Superman." Now available at all branches of National Bookstore and Powerbooks.
Grab a copy of FH&S Magazine's Christmas Issue! I'm sure they're still available on booksale and other bookstores :)
I'm so proud and honored to be sharing an album with the greatest singers and performers in the Philippines. Please get your copy of PhilPop 2013 Album now! :)
Don't forget to grab a copy of Pinoy Magazine's 9th Anniversary Issue! Available in all 7Eleven, Ministop, Filbar's, bookstores and newsstands nationwide!
Let's all support OPM!

THANK YOU SO MUCH!








Share this website on Twitter: